Baguio-Filipino Chinese Community mamimigay ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Egay

0
8

La Trinidad, Benguet – Nagbigay ang Baguio-Filipino Chinese Community ng umaabot sa 1,000 food packs sa mga mamamayan ng Benguet na sinalanta ng Bagyong Egay.

Ang donasyon ay personal na ibinigay ng grupo sa provincial Capitol sa pamumuno ni Ginoong Peter Ng noong Agosto 4, 2023. Samantala, nagpasalamat ang lokal na gobierno ng Benguet sa tulong na kanilang natanggap at tiniyak nila na aabot ito sa mga mamamayan.

Ang Baguio-Filipino Chinese Community ay kasama sa mga grupo na aktibo sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad sa lungsod ng Baguio at probinsiya ng Benguet.

Sa itong paraan, ipinagbigay alam ng probinsiyal na gobierno ng Benguet sa pagtataguyod ni Governor Melchor Diclas na kanilang dinala sa mga apektadong pamilya ang mga naturang relief packs kasama ng kanilang hiniling nila sa nacional na gobierno. (Joel Cervantes, photo courtesy of PLGU Benguet) 

Leave a Reply