Baguio: Farm to Market Road na Bas-angan to Mangaan nabuksan na sa Kayapa, Bakun, Benguet

0
3

Kayapa, Bakun, Benguet – Malaking tulong sa mga mamamayan lalo na sa mga magsasaka na pagandahin ang Bas-angan to Mangaan farm-to-market (FMR) sa barangay Kayapa, Bakun, Benguet.

Dahil dito ay mapapadali at mapapaikli ang pagbababiahe ng mga mamamayan doon kung saan ang Kayapa ay isa sa mga liblib na lugar sa probinsia ng Benguet.

Aabot sa 3 million pesos ang inihandang pondo ng probinsial na gobierno ng Benguet sa pagsemento ng nasabing kalsada.

Ang nasabing proyekto ay isa sa mga tinatawag na priority projects ng barangay local government na kinakailangan ng mga mamamayan.

Tiniyak ni Governor Melchor Diclas na marami pang Farm to Market Roads ang dapat pang maiayos lalo na ito ang gamit ng mga magsasaka sa kanilang ikinabubuhay. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Benguet Province)

Leave a Reply