Baguio: DepEd-CAR Team nagpapatupad ng inspection sa mga ilang paaralan na unang araw ng pasukan sa school year 2023-2024

0
5

La Trinidad, Benguet – Binisita ng Department of Education-Cordillera (DepEd-CAR) team sa pamumuno ni Regional Director Estela Cariño ang mga ilan sa mga pagadalan sa lungsod ng Baguio sa unang araw ng pag uumpisa ng School Year 2023-2024.

Nais ng Regional Director na makita at mismong malaman ang kalalagayan ng mga guro at maging ng mg mag aaral ganon din kung gaano kahanda ang mga silid aralan at ang iba pang pasilidad ng paaralan para sa mga mag aaral.

Kasama dito ang Baguio Central National High School (BCNHS), isa sa pinakamalaking public secondary high school sa lungsod ng Baguio na binisita DepEd team noong umagang iyon.

Inamin ni DepEd-Car Regional Director Cariño napinsin niya na puno ang mga silid aralan ng Baguio City National High School dahil sa maraming nagdagsaang mag aaral, kaya kinakailangan ng maisaayos ang ibang iba’t silid aralan at kailangan na rin mapalitan ang ilan sa mga upuan doon.

Dahil dito, inaasahan ng Director na madagdagan ang Baguio City National High School sa listahan ng mga paaralan na dapat magbigyan ng mga upuan.  Hiniling din niya ang tulong ng lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio para sa pagsasaayos ng mga silid aralan ng nasabing paaralan.

Sa unang datos, umaabot sa mahigit sa 8,200 ang bilang ng mga mag aaral ng Baguio City National High School na kung saan Kanyang binigyang diin na hindi pa sila tumatanggap ng enrollees maliban lang sa grade 7. (Joel Cervantes, photo courtesy of DepEd-CAR)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here