Baguio: Datos na nagpapakita sa kagandahan ng kanilang trabaho, kapulisan ng Cordillera nangunguna sa buwan ng Desyembre

0
12

Iniulat ng Police Regional Office Cordillera ang pagkakahuli ng 38 katao na pinaghahanap ng batas sa isang linggong pagpapatupad ng paraan upang malabanan ang krimen at kampanya sa pagpapatupad ng batas sa Rehiyon Cordillera mula Enero a 7 hangang 12 ng taong kasalukuyan.

Ang mga datos mula sa PRO Cordillera Regional Investigation and Detective Management Division ang nagpapakita na ang Baguio City Police Office ay nakapagtala ng mataas na bilang ng pagkakaaresto na may 16 hinahanap na mga tao ang mga nahuli, sinundan ito ng Benguet Police Provincial Office na may 12 na aresto. Ang Ifugao Police Provincial Office at Kalinga Police Provincial Office na tig-tatlo ang mga naaresto at ang Mountain Province Police Provincial Office at ang Police Provincial Office ay may tig-isa na aresto.

Sa mga nahuli, labing dalawang katao ang nailista bilang most wanted persons, na dalawa ang naitala bawat isa sa regional, provincial, at city levels, habang ang tatlo ay naitala bawat isa sa municipal at station levels.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PRO – Cordillera)

Leave a Reply