Baguio: Dalawang hinihinalang tulak ng shabu nahuli sa Munisipio ng La Trinidad, Benguet

0
7

La Trinidad, Benguet – Nahuli at nakakulong ang drug kinikilalang drug personality na naglalako ng hinihinalang shabu sa mga undercover agent ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera at ng PNP. Kasabay ito ng isinagawa nilang buy – bust operation sa Betag, La Trinidad, Benguet noong isang gabi (Abril 3, 2023).

Nakilala ang mga suspek bilang sila Abdul Madid alias Maino at Sidec Dula Madic. Nasamsam sa mga suspek ang limang piraso ng knot-tied plastic bags na naglalaman ng shabu na may bigat na limang gramo.

Ang mga nasamsam na illegal na druga ay nagkakahalaga ng 3.4 Milyon pesos. Nasampahan na ng kaso sa paglabag ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Joel Cervantes, photo courtesy of PDEA-CAR)

Leave a Reply