Tuba, Benguet – Ang pagkakilanlan ng kasama ng dalawang babae bangkay na naitapon sa Marcos Highway ay di pa alam. Wala pa ring alam ang pamilya nila Andrea Rabara Quiros, 19 na taong gulang at si Anika Columbino Principe, 16 na taong gulang ang mga pagkakilalan ng kanilang naging kasama bago matagpuan ang mga bangkay nito sa Sitio Inonas, Barangay Taloy Sur, Tuba, Benguet noong araw ng lunes, Oktubre a 31, 2022.

Ayon sa ama ni Andrea na si Police Senior Master Sergeant Albert Peralta Quiros, walang makapagturo sa mga kasamang board mates nito at ang pamangkin nito na si Anika kung ang naging kasama nila bago umalis ng boarding house nila sa Urdaneta City noong araw na iyon. Sinabi ng isang ulat, Sinabi sa Ama ng biktima na isa sa mga kapatid nito ang nagbabantay sa anak at pamingkin nito dahil sa lumayas umano ito at napagalitan sa dahilang huminto ito sa pag aaral datapuwat nabayaran na ang tuition fee.
Idinagdang ni Sergeant Quiros bago maiuwi ang kanyang anak, possibling magkaroon pa ng tatlong araw na lamay bago ito mailibing. Samantala ang pamangkin nito ay maaring mailibing agad alinsunod sa paniniwala ng mga Muslim.
Sa kaugnay na balita, sinabi ng hepe ng Tuba Municipal Police station na Police Major Jeremias Toyokan na patuloy na nakikipagtulungan sa mga kapulisan ng Urdaneta, Pangasinan upang malutas o mahuli ang salarin sa pagkamatay ng mga magpinsan.
Sinabi ni Toyokan na naniniwala siya na di lang iisang tao ang may gawa ng krimen na ito na maari din masabing insidente ng summary execution. Wala pa ring alam ang mga kapulisan kung sino ang mga salarin nasabing kalunoslunos na krimen. (Joel Cervantes, photo courtesy of PNP Tuba MPS)
