Baguio: Dalawa patay, isang sugatan sa aksidente sa kennon road, Tuba, Benguet

0
26
photo courtesy of PIO Tuba

 

Baguio City-Tuba, Benguet – Dalawang katao ang napa ulat namatay habang ang isa pa tao ay nasugatan ng truck ay nahulog sa 100-metrong kalalim na bangin sa kahabaan ng Kennon road particular sa  sitio Maramal, Camp 5, Barangay Camp 4 – Camp 6 noong araw ng Biernes.  Kinilala ng pulis tuba ang mga nasawi bilang sila  Michael Gayob Mader-an, 46 na taong gulang, isang  driver, at si James Liwan Wagne, 31 taong gulang  parehong naninirahan sa  National Housing Authority housing project sa  Upper Tadiangan, Tuba, Benguet. Ang nasugatan ay isang 49-taong gulang na lalaki nananinirahan din sa naturang lugar. 

 

Ayon sa imbestigasyon, ang tatlong kalalakihan ay nakasakay ng truck pupuntang La Union  noong ito ay magkaroon ng sira at hindi na ito makontrol ng driver kaya ito ay nahulog sa bangin.  Agad naman tumugon ang mga pulis at ang tauhan ng 911 on call upang makuha ang tatlong walang malay na tao mula sa nahulog na truck at dinala sa  Baguio General Hospital and Medical Center para magamot. Magka ganon man, sila  Mader-an at  Wagne ay namatay habang sumasailalim sa  mahigpit na pangangasiwa ng medical. Ang kanilang sugatan na kasama ay nasa ligtas ng kalagayan.  Ang sanhi ng insidente ay patuloy pa rin inaalam ng kinauukulan sa pamamagitan ng  Tuba Municipal Police Station. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Tuba)

Leave a Reply