Baguio: Cordillera, nais na mabakunaan upang mipatupad ang Measles, Rubella at ang Polio Supplemental Immunization

0
5

Baguio City – Mahigit sa 338,000 na mga bata sa rehion Cordillera ang nais na mabakunaan laban sa measles o tigdas, rubella at polio na isasagawa sa ilalim ng Measles-Rubella and Bivalent Oral Poliovirus Vaccine Supplementary Immunization Activities (MR-bOPV SIA) sa   buwan ng Mayo.

Batay sa datos, mahigit sa 155,900 na bata na may edad na 9 hangang 59 buwan ang nais na mabakunaan ti laban sa tigas o measles-rubella habang ang mahigit sa 182,300 na 0 hanggang 59 months na sanggol ang target population na mabakunaan laban sa polio.

Ayon kay binibining Joyce Rillorta, ang Nurse V ng DOH – Cordillera, kailangan ang paggalaw laban sa nasabing sakit upang maiwasan ang pagsiklab nito.  Sinabi niya na wala pang gamut para sa tigdas o measles, rubella at polio kundi ang bakuna lamang.

Anya isasagawa ang pagbabakuna sa pamamagitan ng bahay bahay, sa mga Health Centers, Rural Health Units, Barangay Health Stations at ng iba pang strategic locations.

Idinagdag ni Rillorta na patuloy din ang pakikipagtulungan nila sa mga iba’t ibang local government units (LGUs) at ng iba pang opisina para sa measles-rubella and oral polio vaccine campaign. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Province of Benguet)

Leave a Reply