Baguio City under the State of Calamity, nadeklara na

0
14

Baguio City – Binawi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang una nitong pahayag na hindi na kailangan na mapasailalim ang lungsod ng Baguio sa state of calamity, dahil sa pananalasa ng Bagyong Egay sa hindi naman matindi ang natamo ng lungsod ng Baguio base na rin sa pagtatasa ng gobiernong lokal.

Kung inyong matatandaan na noong Biernes, noong nakaraang linggo ay sumulat ito sa Sangguniang Panlungsod na humihiling sa mga tagagawa ng batas na i-deklara nila na ang lungsod ng Baguio sa ilalim ng State of Calamity.

Ayon sa kanyang sulat, inamin niya ang matinding kasiraan na dinanas ng lungsod na naging sanhi ng pananalasa ng Bagyong Egay lalo sa mga importanteng inprastraktura, sa mga kabahayan, at ang landslide o pagguho na naging sanhi ng pagkasira ng mga ariarian at maging ang pagkawala ng mga buhay.

Sinabi ni mayor Magalong na base pa rin sa alituntunin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang Memorandum No. 60, series of 2019, na kung may 15 porsiento ng mga naninirahan ang apektado ng kalamidad ay maaring magdeklara ng ‘under state of calamity.

Ayon sa datus ng lokal na gobierno, 75 mula sa 128 na mga barangays ang nag ulat ng critical incidente tulad ng nasirang mga bahay at iba pang sakuna, mga namatay at naging biktima nito.

Ang mga datos ang nagpapatunay na pasok ang lungsod ng Baguio na ipasailalim ito sa state of calamity. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)

Leave a Reply