Baguio City: Tumatayo na ang Stained glass inspired Christmas tree sa taluktok ng Session road

0
8
(Credit to PIO Baguio)

 

(Baguio City) Matutunghayan ang Session Road Rotunda ng  Stained Glass-Inspired Christmas Tree sa paparating na Disyembre. Mamangha ang mga taga Baguio at maging ang mga bisita sa konsepto ng paggawa ng Christmas tree na halong sining panampalataya at tradisyon. Ang paglikha ng Christmas tree ay nagmula sa mga stained glass windows sa mga simbahan partikular sa Simbahang katolika at ito ay naglalarawan ng sagradong storya ng Natividad, na nagdadala ng kakaibang spiritual dimension sa pagdiririwang na kapaskuhan sa lungsod. Ang  City Buildings and Architecture Office (CBAO) ang nanguna sa pagsasagawa nito para sa pinahihintay na  Christmas Tree Lighting Ceremony sa darating na Disyembre a primero ng taong ito.  Mark your calendars and join the city at the Session Road Rotunda to witness this extraordinary blend of art and devotion.(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO Baguio)

      30 –

 

Leave a Reply