Baguio City: Sa kaugnay na balita, operasyon kontra illegal na druga nagbunga sa pagkasamsam ng mahigit sa 𝟮.𝟭 𝗠𝗶𝗹yong piso na druga at ang pagkahuli ng anim na katao

    0
    19
    (Credit to PRO-CAR)

     

    (Baguio City-La Trinidad, Benguet) Ang pinagsamang operasyon kontra  illegal druga  ng  Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) sa rehion ay naging sanhi sa pagkakumpiska ng illegal na druga na nagkakahalaga ng  PhP2,108,320.00 at ang pagkaaresto ng anim na katao noong araw ng Sabado.  Sa probinisya ng  Benguet, Limang taniman ng Marijuana ang natagpuan ng mga maykapangyarihan na natamnan ng may kabuang 4,035 piraso ng mga ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP807,000.00 sa munisipyo ng  Bakun at  Kibungan. Isa pang taniman ng Marijuana na natamnan ng  6,000 piraso ng mga ganap na laking puno ng Marijuana at nagkakahalaga ito ng  PhP1,200,000.00 ang nadiskubre sa  Tinglayan, Kalinga ng mga otoridad doon. Samantala, sa probinsiya ng Apayao, isang 40 taong gulang na lalaki9 ang nahuli sa  Barangay Caglayan, Conner, ng pinagsanib na puersa ng kapulisan sa pamamagitan ng bisa ng  warrant of arrest sa paglabag ng  Republic Act No. 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, at ang pagkakakumpiska ng  1.35 grams ng hinihinalang  shabu na nagkakaha ng  PhP9,180.00.Sa kaparehong operasyon, ang mga maykapangyarihan ay nakahuli ng apat na kalalakihan na may edad na 30,36,38 at 40 sa  Brgy. Irisan, lungsod ng  Baguio. Ang operasyon ay humantong sa pagkasamsam ng hinihinalang Shabu na may bigat na  11.2 na gramo at nagkakahalaga ng  PhP76,160.00. Sa magkahiwalay na  buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng Baguio City Police Office at ng  PDEA-Baguio ang naging sanhi sa pagkakahuli ng isang  29-taong ulang na lalaki at ang pagkakakumpiska ng isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng  PhP6,000.00 sa  Brgy. Outlook Drive, dito sa lungsod ng Baguio. Ang mga suspek, na humaharap sa paglabag ng  RA 9165, at ang mga nakumpiskang piraso ng ebidensiya ay nasa pag iingat ng mga maykapangyarihan.  (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: PRO-CAR)

          30 –

     

    Leave a Reply