(Baguio City) Iniulat ng City Treasury Office na mahigit sa 50 negosyante sa loob ng John Hay Special Economic Zone (JHSEZ) ay naglalakad na ng kani kanilang business permits. Sinabi ni Assistant City Treasurer Fernando Radma, Jr. na si City Treasurer Alex Cabarrubias at ang mga kinatawan mula sa City Legal Office ang nakipagkita sa kanilang katapat mula sa John Hay Management Corporation (JHMC) upang pag usapan ang paraan na matiyak ang madaling pagpapalabas ng mga business permits ng mga nagnenegosyo doon. Sinabi niya na ang bilang nga mga negosyante na roon ay inaalam ng City Treasury office kasunod ng isinagawang ang inventory ng Permits and Licensing Division ng City mayor’s Office at ng kanilang opisina matapos ang kataas taasang hukuman ng bansa ay nanindigan na ang kapangyarihan ng pamahalaang lungsod na mag utos sa negosyong umiiral sa loob ng nasasakupan nito ay kinakailangan ng kumuha ng permits mula sa pamahalaang lungsod. Noong taong 2009, ang pamahalaang lungsod ang nagsabi na karapatan nilang utusan ang mga nagnenegosyo na hindi nakarehistro sa PEZA nasa loob ng John Hay Special Economic Zone na kumuha ng business permits mula sa lungsod ngunit ito ay ipinaglaban ng JHMC hangang makarating ang kaso sa kataas taasang hukuman ng bansa. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: PIO Baguio)
– 30 –
