Baguio City Police Office natamo ang 48 porsiento sa pagbaba ng krimen sa panahon ng Semana Santa 2024

0
15
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Iniulat ng Baguio City Police Office (BCPO) ang 48 porsientong pagbaba ng krimen sa panahon ng paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

Magkaganon man, ang Baguio City Police Office or ang BCPO ay nananatiling mapagbantay at nakatuon sa kaligtasan ng publiko sa anumang panahon.

Kinilala din ng BCPO ang mga ibinahagi ng mga volunteer groups at ang kooperasyon ng kommunidad sa kasagsagan ng paggunita ng Semana Santa.

Samantala, nanawagan ang Baguio City Police Office sa publiko na patuloy itong makipagtulungan sa pamamagitan ng pag uulat ng anumang kahinahinlang gawain na kanilang nakakaharap. Ito’y kanilang gagawin ang kanilang tungkulin sa pagbigay serbisyo sa bayan. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: Baguio City Pubic Information Office)

Leave a Reply