(Baguio City) Iniutos ni Mayor Benjamin Magalong ang agarang pagtatayo sa mga nasirang tindahan nasira ng sunog sa miscellaneous section ng city market. Ginawa na ang pagtatasa ng City Market Office, Public Order and Safety Division at ng pagkilos na isasagawa upang itayo uli ang mga ito. Matatandaan noong linggo, isang sunog ang sumira ng miscellaneous section ng city market sa Hilltop Road, Baguio City. Di kukulangin sa tatlong tindahan ang naapektuhan ng sunog. Inaalam pa ang sanhi nito. Ang alkalde, hepe ng pamatay sunog ng Baguio,n agpaalaala sa kaligtasan sa sunog matapos ang sunod sunod na insidente ng sunog sa lungsod. Nanawagan sila Mayor Benjamin Magalong at City Fire Marshal F Supt. Marisol Odiver sa publiko na bigyang pahalaga ang kaligtasan sa sunod sa gitna ng pagsasaya sa bagong taon. “Anila nananawagan kami sa publiko na huwag kaliligtaan ang kaligtasan sa sunog kahit na may pagdiririwang ng bagong taon. Kanilang inilabas ang panawagan matapos ang sunod sunod na insidente ng sunog na nangyari sa lungsod ng Baguio. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)
– 30 –