Baguio City: Mga supplier ng baboy at mangangatay sa Bauko, Mt. Province pinaalalahanan patungkol sa African Swine Fever

0
16

Baguio City-Bauko, Mt. Province – Pinaalalahanan ng mga maykapangyarihan ang mga tagadala ng mga baboy at mga mangangatay sa Bauko Mt. Province na pansamantala muna nilang ihinto ang pag angkat ng baboy sa Cervantes, Ilocos Sur. Ito ay upang maiwasan ang pagkahawa ng mga alagang baboy mula sa African Swine Fever. Kung atin matatandaan na tumaas ang pagkamatay ng mga baboy sa Cervantes, Ilocos Sur,  dahil sa pagkalat ng  African Swine Fever Flu lalo na  Barangay Comilias na malapit sa  Mankayan, Benguet. Maliban sa  baboy, kailangan na rin na mapahinto ang pagpasok ng  fresh pork meat, by-products at  processed pork meat na nagmula sa nasabing lugar.

Kasabay nito, hiniling ang pakikiisa ng mga mamamayan upang mapangalagaan ang mga alagang baboy sa Bauko laban sa nasabing sakit. Matatandaan na nagpalabas ng kautusan si gobernador Bonifacio Lacwasan Jr. bilang hakbang laban sa African Swine Fever.

RPN-DZBS/Joel Cervantes

Leave a Reply