Baguio City: Lokal na pamahalaan nagsagawa ng π—˜π—Ÿπ—˜π—–π—§π—₯π—œπ—–π—”π—Ÿ π—ͺπ—œπ—₯π—œπ—‘π—š π—œπ—‘π—¦π—£π—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘ sa pamilihan ng lungsod.

0
5
(Credit to PIO BAGUIO)

 

(Baguio City) Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ngΒ  City Market Office at angΒ  City Buildings and Architecture Office saΒ  electrical wirings ng ilang bahagi ng pamilihang bayan ng lungsod kamakailan lamang.Β  Ipinag utos ni Mayor Benjamin Magalong ang preventive check-up upang matukoy ang sirang mga kable ng kuryente at ang iba pang kondisyon na maaring maging sanhi ng sunog at aksidente.Β  Ang mga sinuri ng naturang pangkat at ang mga tindahan sa coconut section, rice section, tinapa section, tobacco section at ang Hangar market alley. Kamakailan lamang, isang may ari ng puwesto ang humingi ng tulong sa Public Order and Safety Division (POSD) matapos makakitaan ngΒ  pagtalsik ng kuryente o electrical spark atΒ  usok sa kanyang puwesto. Ito ang naging sanhi kung saan ang alkalde ay nagpatawag ng inspeksyon ng mga kawad ng kuryente.Β  Noong Nakaraang Disyembre a 29, isang sunog ang sumiklab sa pamilihang bayang ng lungsod na sumira sa mga puwesto ng iba’t ibang bahagi ng daang hilltop.Β  (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: PIO Baguio)

Β Β Β Β Β  30 –

Β 

Β Β 

 

Leave a Reply