31.6 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Baguio City Government supports Adivay Festival

- Advertisement -

(Baguio City) Nagpakita ng suporta ang lokal na gobierno ng Lungsod ng Baguio sa isinasagawang Adivay Festival para sa ika 123rd Anibersaryo ng pagkakatatag ng probinsiya ng Benguet.

Ang lungsod ng Baguio ay nagpadala ng isang pangkat sa pangunguna ni Konsehal Vladimir at ang iba pang kinatawan na nagmula sa iba’t ibang departamento ng city hall noon Nobyembre 23, 2023.

Ang naturang delegasyon ay nakiparada sa kahabaan ng probinsial road patungo sa Benguet Sports Center sa Wangal, La Trinidad, Benguet kung saan nagsasalo-salo ang mga mamamayan ng 13 bayan ng lalawigan.

Nagalak ang mga taga La Trinidad, Benguet at ang maging sa mga kalapit na mga municipalidad sa kanilang nasaksihan ng pangkat ng mga taga Baguio na dumadalo sa taunang Adivay Festival.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

(Photo Credit to Baguio City Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -