(Baguio City) Patuloy na pinapalakas ng City Health Services Office (CHSO) ang pagsisikap saΒ pagsubaybayΒ pangkalusugan matapos mapatunayan ang dalawang karagdagang kaso ng Mpox sa lungsod ng Baguio. Ito ay nagdala sa kabuang bilang ng naitalang kaso sa Apat. Ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng isangΒ 21-taong ulang na lalaki at isangΒ 21-taong gulang na babae na walang kaugnayan sa mga nakalipas na mga kaso.Β Ang dalawang katao ay humarap sa medikal na konsultasyon sa ibaβt ibang pasilidad pangkalusugan, na kung saan ang ispesimen ay kinuha mula sa kanilang sugat sa balat at sinuring nagpositibo para sa
Monkeypox viral DNA saΒ Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ang parehong kaso na kinasasangkutan ng hindi gaanong malalangΒ Clade II strain, na mayΒ kahintulad sa naunang mga kaso. Ang dalawang pasiyente ay kasalukuyang sumasailalim ngΒ home isolation hangang Pebrero a 16 at Pebrero a 14 at nanatili sa ilalim ng pangangasiwa ng mga medikal na opisyal.Β Samantala, ang mga nakasalimuha ng dalawang katao ay maituturing na asymptomatic ngunit sila ay pinapayuhan na sumailalim sa regular na pagsubaybay pangkalusugan sa loob ng 21 araw.Β RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO Baguio)
–Β Β Β Β Β 30 –
Β