(Baguio City) Binisita kamakailan lamang nila Mayor Benjamin Magalong, City Administrator Bonifacio Dela Peña, City Veterinary Officer Dr. Silardo Bested, at ng kinatawan ng barangay ang itinatayong Aquaponics facility ng Imelda Marcos Barangay. Inaasahan na matatapos ang naturang pasilidad sa katapusan ng buwan na ito. Ang Aquaponics isang sistema ng produksyon ng pagkain na itinambal sa aquaculture o pagpapalaki ng isda sa pamamagitan ng hydroponics o ang pagtatanim ng halaman sa tubig,na kung saan ang mayaman sa nakapapalusog na tubig ay ipinapakain sa mga halamang nabubuhay sa tubig. Ito’y isang Magandang kabuhayan na maituro sa mga barangay lalo na sa lugar na kulang sa lawak. Maituturin na kunti lang ang puunan kaya ito’y puede ma ibigay kalaman sa barangay ng Baguio City. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO-Baguio
– 30 –
