28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Baguio: CIDG Cordillera nakahuli ng 52 katao sa isanagawang isang buwan na pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad sa rehiyon

- Advertisement -

Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet – Ayon sa Regional Chief ng CIDG Cordillera, na si PCOL. LEON P TALLEO, ang paga-aresto ay nangyari noong nakaraang buwan nitong taon.

Kanya ring sinabi na ang 48 taong hinahanap ng batas ay nahuli sa pagsasagawa ng ‘OPLAN PAGTUGIS’.

Kabilang sa mga nahuli ay ang naitala bilang lima sa mga Top Most Wanted Persons (TMWP), habang 43 iba pa ang nailista bilang pinaghahanap ng batas sa iba’t ibang krimen.

Sa limang pinaka most wanted personalities (MWP) na nahuli, dalawa rito ang tinaguriang Regional Most Wanted Personalities, habang ang isa ay tinaguriang bilang Provincial-level MWPs, at ang natitirang dalawa ay binansagang Municipal-level Most Wanted Personalities.

Bilang karagdagan, tatlong illegal collector ang nahuli rin matapos isagawa ang OPLAN BOLILYO, o ang kampanya laban sa illegal na sugal habang isa naman ang nahuli sa pagsasagawa ng “OPLAN OLEA, ang kampanya kontra sa iba pang gawain sa pagpapatupad ng batas.

Samantala, sa kampanya laban sa illegal refinery, manufacturing, importation, at pagtitinda ng liquefied petroleum gas, or “OPLAN LIGAS,” ang kapulisan ay nakumpiska ng may kabuan na 200 piraso ng walang laman na tangke LPG na nagkakahalaga ng 250 Libong piso.

Sa isang pahayag, pinapurihan ni Police Col. Talleo ang kanyang mga tauhan at tiniyak sa publiko na ang CIDG-COR ay mas paiigtingin pa nila ang kampanya laban sa iba’t ibang uri ng krimen.

Nanawagan din siya sa publiko na makipagtulungan sa mga tagapagpatupad ng batas sa pamamagitan ng pagsuplong sa mga hinihinalang tao o gawain sa kanilang lugar. (Jimmy Bernabe)

(Source: PIA Cordillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -