27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Baguio: Caravan registration SIM isinagawa sa Municipyo ng Atok, Benguet bilang isang pilot rollout ng NTC

- Advertisement -

Atok, Benguet – Aabot sa 150 mamamayan ng Atok, Benguet ang natulungan habang isinasagawa ang SIM card registration caravan sa Atok municipal gymnasium noong jueves Enero a 26.

Ito ay pamamagitan ng tulong ng Department of Information and Communications Technology, National Telecommunications Commission (NTC), at ng mga telecommunication companies o telcos kung saan nagtungo sila doon upang matulungan ang mga taga roon na magparehistro ng SIM.

Matatandaan na ang Atok mula sa labing limang lugar na napili bilang sa pilot rollout ng SIM registration caravan.

Una rito, sinabi ni Bryan Stephen Kitma ng Globe Teleco, tatlong munisipyo sa Benguet na kung saan ay matatagpuan ang maraming gumagamit ng keypad phones tulad ng Atok, Tublay at Kapangan ang pinili ng NTC para sa SIM registration assistance.

Hinihintay na lamang ang tamang schedule sa February para sa Tublay at Kapangan habang sinisikap ng DICT at ng NTC na mayroon din na isasagawang roll-outs sa mga ibang lugar sa rehion.

Matatandaan na ang deadline ng SIM registration ay sa April 26, 2023 kung saan ang mga SIM na hindi mai-rerehistro sa nakatakdang deadline ay madede-activate.

Layunin ng SIM Registration Act ang ma-regulate ang paggamit ng SIM card upang maiwasan ang mga panluluko o ng mga scam at ng spam text messages. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Atok)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -