Baguio: Benguet Police Provincial Office namahagi ng relief packs

0
5

La Trinidad, Benguet – Umaabot sa 139 a relief packs ang naipamahagi sa mga magsasaka sa Betag, La Trinidad na sinalanta ng Bagyong Egay.

Ang pagbabahagi ng relief packs ay isinagawa ng mga tauhan ng Benguet Provincial Headquarters sa pamumuno ni Provincial Community Affairs and Development Unit Police Lt. Col. Benson Macli-ing.

Bahagi ito ng Bumadang program ng Benguet PPO para sa mga naging biktima ng naturang bagyo. Ang naturang gawain ay sinalihan ng mga opisyal ng Barangay Betag at ng La Trinidad Municipal Police Station.

Ang mga relief packs ay nagkakahalaga ng P34,055 na ibinigay ng mga tauhan ng Benguet Police Provincial Office at ng mga kasapi ng Cordillera Eagles Region 1 at TG Home Builders sa lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes, photo courtesy of Benguet Police Provincial Office)

Leave a Reply