Baguio City – Ang mga gumagamit sa kuryente ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) ay maaring matuwa dahil sa ang bayarin sa serbisyo ng uryente para sa buwan ng Nobyembre ay bumaba na. Ito ay para sa lahat ng consumers ng Beneco. Ayon sa ulat ng Beneco, Mula sa buwan ng Oktubre na bayarin na P11.1373 per kilowatt hour (kWh), sa buwan na ito ay bumaba sa P10.7362 per kWh para sa residential consumers, o may pagbaba ng P0.4011 per kWh. Ang ibig sabihin nito ang kabahayan na gumagamit ng 100 kwh ay kailangan magbayad ng P 1,079.23.
Ayon kay Fraiser Angayen, ang Non-Network Services Department manager, ang pagbaba ay dahil sa pagbaba din ng “generation charge component sa mga babayarin bilang resulta ng naturang kooperatiba sa pagsama sa Wholesale Electricity Spot Market o ng (WESM). Anya dahil dito may bawas na P0.2803 per kWh sa generation charge. Hindi lang yang, Sinabi din niya na ang transmission charge ay naging P0.0018 per kWh at ang system loss charge ay P0.0357 per kWh.
Ang generation at transmission charges ay bahagi ng bayarin sa kuryente na inilalagay sa pamamagitan ng singilin. Ang mga ito ay kinukolekta ng BENECO sa mga gumagamit ng kuryente o consumers. Ngunit, ito ay ipinadadala sa power supplier at sa National Grid Corporation of the Phil. O (NGCP), Nagbalik ang BENECO sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM noong nakaraang buwan lamang. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)
(Source: BENECO)
