28.1 C
Manila
Monday, March 4, 2024

Baguio: BENECO hangad mabigyang ilaw ang maraming sitios sa probinsiya ng Benguet ngayong taon

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Hinangad ng Benguet Electric Cooperative na mapailawan ang 20 hangang 21 sitios sa Probinsiya ng Benguet ngayong taon.

Ayon sa ulat mula sa Benguet Electric Cooperative, ang kooperatiba ng kuryente ay naghihintay pa ng halagang P50 milyong piso mula sa National Electrification Administration (NEA) na ipinangako ng naturang ahensiya na ibibigay sa Beneco ngayong taon upang ipagpatuloy nito ang paglalagay ng kuryente sa mga liblib na lugar sa probinsiya ng Benguet at ito ay sa ilalim ng programa ng pamahalaan na Sitio Energization Program (SEP).

Ang listahan ng mga sitios nais nitong pailawan ay ibinigay na kamakailan lamang sa NEA ng BENECO Ayon sa kahilingan ng LGU’s s probinsiya ng Benguet.

Ayon sa Talaan ng Benguet, ang mga sitios sa Kabayan, Kibungan, Sablan, at Tuba ang uunahin para sa nasabing proyekto.

Samantala, Si Eng. Mark Amisola ng Beneco Network Services Department, ay kasalukuyang isinasapinal ang mga listahan ng mga iba pang sitios na ipapadala sa NEA para magkaroon ng pondo na nagkakahalaga ng P50 milyong piso. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of BENECO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -