Saturday, May 11, 2024

Baguio: BCPO at iba’t-ibang Sektor ng gobyerno nagtulung-tulong sa pagsulong ng “Makakalikasan” Clean-Up Drive

- Advertisement -

Ang naturang gawain ay isang pagtataguyod sa kalinisan at pampublikong kalusugan sa lungsod ng Baguio.

Ang paglilinis ay sa pagkukusa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagkikipagtulungan ng lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio, kasama rito ang City Environment and Parks Management Office, ang City Health Unit, ang General Services Office, ang City Disaster Risk Reduction and Management Office, at ang iba pang barangay sa lungsod ng Baguio.

Kanilang tinanggal ang mga basura at mga damo sa kahabaan ng sapa at maging ang kapaligiran nito. Tiniyak din nilang ang kanilang nakolekteng basura ay napaghihiwalay at maitapon sa tamang tapunan.

Samantala, nanawagan naman si DILG-Baguio City Director, Ms. Millicent B. Cariño sa publiko na sumali sa mga gagawing paglilinis upang mapanatili ang malusog na kapaligiran at binigyang diin na ang nasabing gawain ay kaugnay sa programa ng kasalukuyang administrasyon, na Bagong Pilipinas na itinataguyod ng DILG’s “Programa sa Kalinisan”. Ang naturang gawain ay naglalayon na itaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa pamamahala ng pagtatapon ng basura o ng Solid Waste Management at hikayatin ang mga local government units na gumawa ng hakbang at lalong pagbutihin pa ang malusog na kapaligran at ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Hindi lang ang kapulisan na taga BCPO Substation 7 kundi ang Baguio City Police Office Substation 6 ng Aurora ang nagsasagawa ng paglilinis o clean up drive sa kanilang nasasakupang lugar. Noong lunes, ang mga miyembro nito ay naglinis sa Busol Watershed sa Bayan Park, Aurora Hill, noong lunes. Kasama nila ang Criminology interns ng University of Baguio at ang Senior High School students ng Doña Aurora National High School, sa pagpulot ng mga basura, pagtatanggal ng damo, at ang pagdidilig ng mga punla na dati nang nakatanim sa Busol Watershed.

Ang naturang gawain ay kaugnay sa core value ng PNP’s “MAKAKALIKASAN” na nagnanais na ingatan ang kalikasan at nagtataguyod ng malinis na kapaligiran. (Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)

(Source: PIO Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -