Bakun, Benguet – Buhay na buhay ang pagtulong-tulong na ginagawa sa mga Munisipyo sa Benguet. Sa parati na tuloy-tuloy na pag-ulan, ang daanan ng sasakyan ay sila’y napapahinto dahil sa pagguho ng lupa at pagbagsak ng malalaking bato.
Sa Bayan ng Bakun, Benguet, isa sa mga malayong Bayan ng Benguet, ang mga tao doon ay nagtulong-tulong para linisin ang mga bitak ng bato at lupa na nahulog na siyang nakabara sa daanan. Di na hinintay ng mga tao, ang kagamitan ng gobyerno para linisin ang daanan, subalit kinakailang nilang linisan ito agad sa madaling panahon para may madaanan ang mga taong pauuwi sa kanilang tahanan at ang mga magsasaka na magbenta ng kanilang gulay.
Sa panahong ngayon parati ang pag-uulan sa parti ng Bakun, Mankayan, Buguias at Atok, Benguet kaya kadalasan ang mga kalsada nito ay nasasarahan. Walang alinlangan na tumolong ang mga tao dahil ang mga ito ay ginagawa nila sa bayanihan na sestima.
Ayon kay Mayor Bill Raymundo, Mayor ng Bayan sa Bakun, itong kaugalihan ng mga tao na di dapat mawala, ang pagtulong sa kapwa ay pagtulong sa Bayan. Kung minsang pa ang mayor mismo ang nagbibigay ng makakain ng mga tao sa sarili niyang pera sa mga magagandang asal na kanilang pinapakitang sa kumonidad. (Joel Cervantes, photo courtesy by June Acbayaan)
