Baguio City – Inilunsad noong araw ng Lunes ngΒ Baguio City Police Office (BCPO), angΒ Β CPOviewBaguio app, sa kasagsagan ng pagtataas ng watawat sa City Hall. Nais ng naturang app na itaguyod ang ligtas at walang abalang nabigasyon o pagliliwaliw sa lungsod ng Baguio na ginamit na sa isinagawang kaganapan ng Panagbenga.
Sinabi ni BCPO City Director, PCol. Ruel Tagel na ang naturang app nangangakong mas mapapahusay ang karanasan ng mga bisita at ng mga taga Baguio na tutugon sa kakaibang hamon sa lungsod.Β Sinabi ni Tagel na itinatampok bilang pangunahingΒ ng naturangΒ app upang direktang harapin ang mga problemang tulad ng pagbibigay ng pinakabagong kalagayan ng trapiko at kung ano ang pinakaabalang lugar sa lungsod at makikita ng gumagamit ng apps kung saan ang mga ruta kanyang pupuntahan.Β
Bilang karagdaganΒ sa pamamahala ng trapiko, sinabi ni City Director Tagel na ang BCPOviewBaguio app ay nagaalok ng mga mahahalagang pag iwas sa krimen at impormasyon patungkol sa mga ordinansiya ng lungsod upang mapanatali ang kaayusan at pangalagaan ang kalikasan ng lungsod. Sinabi pa ni Tagel na maaccess ito sa pamamagitan ng BCPOβs website, kiosks, at ng mgaΒ posters sa lahat ng dako ng lungsod. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe\source: PIO Baguio)
