Baguio City – Hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Apayao Governor Elias Balut Jr., bilang Chairperson ng Regional Development Council-Cordillera bilang ang RDC-CAR samantalang si Edna Tabanda, ang dating Mayor ng La Trinidad, Benguet at isang private sector representative ng indigeneous people’s sector ang hinirang din ng Pangulong Marcos bilang Co-Chairperson ng RDC-CAR.
Ito ang ipinahayag ni RDC-CAR Vice Chairperson at NEDA Car Regional Director Susan Sumbeling sa ginanap na ika 4th quarter Regional Gender and Development Council meeting noong nakaraang Viernes. Isasaad ng Executive Order no. 325 ang pamamahala at reorganization ng RDC ay nagsasaad ng pagkahirang ng Chairman mula sa pampublikong sektro at ang Co-Chairman mula sa pribadong sector.
Ang Chairman at Co-chairman ay magsisilbi ng tatlong taon kasabay ng regular term ng mga lokal na opisyal. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIA-Cordillera)
