Baguio: Apat na individual nahuli sa pagkukuryente ng Isda sa ilog ng Sablan, Benguet

0
7

Sablan, Benguet – Posibleng humarap ng kaso sa paglabag sa Republic Act 8550 o ang tinatawag na Philippine Fisheries Code of 1998 ang apat na kalalakihan na pawang residente ng lungsod ng Baguio matapos matuklasang nangungurente ng isda sa Keddeng river sa Sitio Oriao, Banangan, Sablan, Benguet kamakailan lamang. Batay sa ulat ng Sablan Municipal Police Station, Ang napilahan ng kaso ay sila Maverick Esteban, Robert Esteban, Gary Gonawa at si Allen Maceda.

Ang lahat ng mga ito ay pawang residente ng Balenben, Irisan, Baguio City. Batay pa rin sa police report, nakatanggap ang Sablan Police station ng impormasyon na may kaugnay sa illegal na pangingisda ang mga nasabing mga indibidual sa nasabing ilog.

Sa pagpunta nila doon sa nasabing lugar, nadatnan ng mga may kapangyarihan ang mga nasabing tao na nangingisda gamit ang de kuryenteng panghuli. Kasama na nakumpiska mula sa mga nasabing indibidual ang mga nahuli nilang palaka, isda at hipon ganon din ang tatlong flashlights at ang gamit nilang plier.

Naghahanda ang Sablan Municipal Police Station ng kailangan nilang dokumento upang pormal ng isampa ang kaso laban sa mga nasabing mga tao. (Joel Cervantes, photo courtesy of Sablan MPS)

Leave a Reply