34.3 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Baguio: Ang patuloy na pagpapalakas ng Assosasyon ng La Trinidad Arabica Coffee Producers, ayon sa Department of Agriculture

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Muling ipinaalala ng Department of Agriculture -Cordillera sa mga kasapi ng La Trinidad Arabica Coffee Producers Association o ang LATACPA na patuloy nilang palakasin ang kanilang binuong association ng mga ito.

Ayon kay DA-CAR Regional Technical Director for Operations nasi ginoong Danilo Daguio, ito ay upang madagdagan pa ang tulong na kanilang matatatanggap mula sa Department of Agriculture para sa proyekto at programa na gusto nilang isagawa.  Ito ay para din sa pagpaganda ng produksyon at processo ng tanim nilang kape.

Sinabi ni Daguio na ang LATACPA ay isa sa mga aktibong samahan o assosasyon sa Benguet na katuwang ng DA-CAR sa pagpapataas ng antas ng kape sa rehiyon Cordillera.

Samantala, idinagdag ni ginoong Daguio na noong limang taong nakaraan ay namuhunan ang Department of Agriculture Cordillera sa coffee related projects na nagkakahalaga ng humigit sa P17 milyon para sa probinsiya ng Benguet.

Sinabi niya ang nasabing puhunan ay sa P2.5 milyon na proyekto na ibinigay ng municipyo ng La Trinidad para sa mga magsasaka ng kape sa nasabing munisipyo. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU La Trinidad)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -