Baguio: Ang pagbubukas ng Igorot Stone Kingdom na may dapat sundin

0
25

Baguio City – Muling binuksan nung nakaraang Lunes, Abril a 3, 2023 ang tanyag na Igorot Stone Kingdom na matatagpuan sa Long long Road, Lungsod ng Baguio malapit sa  Tam-awan village.

Ang pagbubukas  ng Igorot Stone kingdom ay matapos ibasura ng City prosecutor’s office  ang kaso laban sa kay ginoong Pio Velasco ang may ari ng naturang tourist spot. Kung inyong matatandaan na noong nakaraang taon, ang  city mayor’s office ang nag utos na ipasara ito dahil sa kawalan umano ng permit at ang hindi umano pagcomply sa safety issues.

Magkaganon man, sinabi ng city prosecutor’s office na ang mga may ari ng Igorot stone kingdom ay tumugon sa lahat ng kinakailangan tulad ng building requirements para sa pagpapalabas ng  building permits.

Sinabi ni ginoong Velasco natalakay din sa isang public consultation ang problema sa trapiko, basura, ang inspection at certification,  ang lahat ng hiniling ng lokal na gobierno  ay kanilang tinugunan.

Ngayon wala ng mga balakid, masayang ipinahayag ni Velasco na bukas na bukas ang tanyag na Igorot stone kingdom sa publiko. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio City PIO file)

Leave a Reply