Baguio: Aksidente sa Licuan-Baay, Abra gamit ng kuliglig; isa ang patay

    0
    14

    Licuan-Baay, Abra – Dead on the spot ang isang katao habang nasugatan ang 13 sa sinasakyang nilang “kuliglig” sa Sitio Nagpaoayan, Barangay Subagan, Licuan-Baay, Abra noong Marso 26, 2023.

    Ayon sa  ulat ng  Licuan-baay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), aabot sa 14 na mananakay ang nakasakay sa nasabing kuliglig. Habang ito ay tumatakbo sa kahabaan ng  Abra-Kalinga road at ito ay nawalan ng preno pababa sa nasabing kalsada.  Agad nagresponde ang mga tauhan ng  Licuan-baay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, Bureau of Fire Protection (BFP) at ang Licuan-Baay police at itinakbo ang mga nasugatan sa Abra Provincial Hospital.

    Ang sugatan na tao ay namatay at residente ito ng  Barangay Aloa, Tineg, Abra. Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ng kustodiya ng Licuan-Baay Police ang naturang driver. (Joel Cervantes, photo courtesy of MDRRMC Licuan-Baay Abra)

    Leave a Reply