Baguio: Adivay Agri-Tourism Fair 2023 nagpapakita ng kahusayan ng 13 munisipyo ng probinsiya ng Benguet

0
26

La Trinidad, Benguet – Pinangunahan ni Governador Melchor Diclas at ni Department of Agriculture OIC-Regional Executive Director Atty. Jennilyn Dawayan, bilang pangunahing bisitang pangdangal at tagapagsalita sa pormal na pagbubukas ng pinakahihintay hintay na Agri-Tourism Fair 2023 sa Benguet Sports Complex sa Wangal, La Trinidad, Benguet noong Martes.

Matapos ang pormal na programa at ribbon cutting at blessing ceremony, pinangunahan ni Provincial Agriculturist Delia Juan ang ibang opisyal ng probinsiya sa pagbisita sa 13 na mga booths upang Tingnan ang kaibahan ng ibang booth na nagtampok sa lugar na pangturismo sa pamamagitan ng mga letrato at landscapes at ang One Town, One Product ng bawat munisipyo.

Kumain din sila ng iba’t ibang prutas at ng iba pang mga produkto. Ang mga dumalo ay kinabibilangan nila Board Members Fernando Balaodan Sr., Roberto Canuto, Joel Tingbaoen, Florencio Bentrez at Ruben Paoad habang ang mga mayors naroon ay sila Rubern Tinda-an of Buguias, Alfredo Dacumos ng Sablan, Armando Lauro of Tublay, at Clarita Sal-ongan ng Tuba at ang kanyang Bise Mayor na walang iba kundi si Maria Carantes.

Ang trade fair, na nagpapakita ng produktong lokal at maging ng kapipitas na mga prutas ganon ng iba’t ibang processed foods at likha mula sa 13 munisipyo, ay isa sa mga pangunahing Gawain sa ika-123rd pagdiririwang ng Benguet Foundation Anniversary sa pamamagitan ng Adivay Festival 2023.

Ang mga booths ay bukas araw araw hangang Nobyembre 24 ng taong ito. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy by Mika Cervantes)

 

Leave a Reply