Baguio City – Pagkakaroon ng solusyon ng mga mamamayan na dumadaan sa access road sa Loakan Airport malapit na pagbubukas nito.
Tiniyak ni Loakan Proper Barangay Kapitan Edouard Emmanuel Cayetano na wala nang ibang pagdaraanan ng mga residente doon kundi ang access road sa Loakan Airport sa Baguio na malapit nang magbukas.
Ayon sa kanya, tuloy tuloy ang pakikipag usap nila kay Mayor Benjamin Magalong, ang pamunan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ng iba pang opisina upang mapag usapan ito.
Kanyang ipinaliwanag na napag alaman nila ang pagbubukas ng operasyon ng Loakan Airport at may oras upang ang mga naninirahan doon ay maaring dumaan sa nasabing access road. Anya may plano din maglagay ng sidewalk na pwedeng daanan ng publiko.
Sinabi din niya na maging matiyaga lamang sila na sundan lamang ang mga patakaran habang naghahanap sila ng permanenteng solusyon. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Proper Loacan)
