Baguio: 5.5 million pesos para sa Swine Production Initiatives as Expansion Facility naibigay sa Tadian, Mt. Province

    0
    8

    Tadian, Mt. Province – Pormal na ibinigay ng Department of Agriculture-Cordillera ang Community-based Swine Production and Expansion Facility Project na nagkakahalaga ng P5.5 million pesos sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives and Expansion (INSPIRE) Program sa samahan ng Mountain Province Farmers Fisherfolks and Loach Throng sa Tue, Tadian, Mountain Province itong nakaraang araw.

    Sinabi ni Alternate Livestock Coordinator Jayvee P. Canor, inilunsad nila ang INSPIRE Program para maparami ang alagang baboy at mapaganda pa ang industria ng pagbaboy sa Cordillera.

    Sakop nito ang hog grow-to-finish o ang fattening operation facility na kompleto ang biosecurity at climate-smart features upang maging moderno ang pag-aalaga ng mga magsasaka gamit ang isang lugar lamang.

    Maaring tumanggap ang nasabing pasilidad ng 300 a fatteners. Sa kasalukuyan ay may paunang 75 ang unang pag alaga at nakahandang magpakain ng feeds at ng biological support.

    Ang nasabing inaugurasyon at turn-over ceremony ay dinaluhan ng mga opisyal at tauhan ng DA-CAR, Provincial Government, Tadian LGU at ang mga makikinabang na mga magsasaka. (Joel Cervantes, photo courtesy of DA-CAR file)

    Leave a Reply