Baguio City-Mt. Data Hotel, Mt Province) Sinabi ni Secretary Carlito G. Galvez ng Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity, o OPAPRU na ang pamahalaang National ay patuloy ang pagsuporta sa Cordillera tungo sa pangmatagalang kapayapaan. Ito ang naging mensahe ni Secretary Galvez sa paggunita ng ika-38th Mount Data “Sipat” Peace Accord noong Biernes Septiyembre 13, ngayong taong sa Mt. Data Hotel, Mt. Data, Bauko, Mountain Province. Kanyang binigyang diin na simula pa sa paglagda ng SIPAT, Nagkaroon na ng patuloy na kapayapaan at pagunlad sa rehion. Kasabay nito ay nanawagan din siya sa lahat ng ga Filipino , lalo na ang mga taga Cordilleran na maging aktibo sa pagtulong sa isinasagawang sa pagsisikap sa pagpapanatili ng kapayapaan at ang pagbibigay pansin sa mahalagang papel ng pagkakaisa at pagsasama sama. Ang ika 38th Mount Data “Sipat” Peace Accord ay gunugunita tuwing Septiyembre a 13 kada taon sa buong rehion Cordillera. Habang sila Gobernador Bonifacio C. Lacwasan Jr. at kongresista Maximo Y. Dalog Jr., sa pagkatawan ni ginoong Dionisio Wacdisen, ay nagbahagi ng kanilang mensahe ng pagsuporta na nagpapahayag ng pakikilaban ng rehion sa pagkakaroon ng regional autonomy. Bilang karagdagan, ang anak ng namayapang Conrado Balweg, na si Pag-asa Goldamir Balweg ay nagbahagi din ng makabagbag damdaming menshae na kaugnayan sa paggunita ng SIPAT. Dumalo rin ang Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity, na si Secretary Carlito G. Galvez, Jr, naging panauhing pandangal at tagapagsalita, ang gobernador ng Mountain Province, na si Bonifacio C. Lacwasan, Jr; at ng iba pang lider at opisyal at mga kinatawan mula sa pribadong sektor, at civil society groups. Dumalo din ang PNP sa pamamagitan ng PRO-CAR sa pamamagitan nila Deputy Regional Director for Administration PBGEN ROGELIO Z RAYMUNDO, JR., Mountain Province Police Provincial Office, provincial director PCOL SIBLY P DAWIGUEY, JR; at ng iba pang pangunahing opisyal ng PRO-CAR.(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
Source: PIA- CORDILLERA)