29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Baguio: 310 cadets ng Madasigon Class of 2023, nagtapos na

- Advertisement -

Baguio City – Nagtapos ang 310 cadets ng PMA MADASIGON Class of 2023 sa Fort del Pilar, Baguio City kahapon ng linggo, Mayo a 21, 2023.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang graduation rites ng mga kadete. Ito ang unang pagkakataon na sinaksihan ng Pangulong Marcos Jr. ang nasabing seremonya bilang Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines o AFP.

Ibinigay niya ang mga diploma at parangal ganon din nagbigay din siya ng kanyang mensahe. Tiniyak ng Pangulo na patuloy ang pagpapaganda at pagiging makabago ng Philippine Military para sa mas epektibo at matatag na daan sa serbisyo publiko at sa pagbuo ng bansa o nation building.

Hinikayat din niya ang mga nagtapos na mag kadete na ipagpatuloy nila ang pagiging Matapang, may integridad at ang patriotismo na magsilbi sa tatlong sangay ng AFP para sa maunlad na bansa.

Una na rito, sinabi ni PMA Superintendent LtGen. Rowen Tolentino nakatakdang italaga ang 158 na mga kadete sa Philippine Army (PA), 77 sa Philippine Navy (PN) at 75 sa Philippine Air Force. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIA Benguet)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -