Baguio: 2nd Kini-ing Festival sa Taloy sur, Tuba, Benguet, ipinagdiwang

0
3

Tuba, Benguet – Ipinagdiwang ng mga mamamayan ng Taloy Sur, Tuba, Benguet ang ikalawang Kini-ing Festival nitong Sabado Enero a 28, 2023. Ito ay may temang “Creating Meaningful Connections to People and Environment”.

Ang gawain ay pinangunahan ng La-diyang Haven Community Association, Isang samahan sa nasabing bayan. Iba’t ibang klaseng pagkain ang idinulog tulad ng Mushroom Kini-ing Bread, Native rice with Kini-ing Delights (Kini-ing Pork Sausage, chicken, fresh and rabbit), Ava with Kini-ing Empanada, camote, assorted fresh vegetables ang natikman ng mga dumalo roon.

Namasyal din ang mga dumalo roon sa nga magagandang garden tulad ng Turod di Kalamiisan farm, Toking Sab-atan, Demang, Galwan Binanga Garden, Lagdao, Shangphil, Castiels Ground, Kayagud, Pikawan at ng  La-Diyang Haven Garden.

Ang  Kini-ing festival ay ipinadiririwang ng nasabaing samahan bilang pasasalamat na matagumpay na pagdami ng kanilang alagang baboy, rabbit, manok at ganon din ng mga tanim na gulay. (Joel Cervantes, photo courtesy by Claire Lictag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here