Baguio: 29 katao na pinaghahanap ng batas, sa wakas nahulog din sa kamay ng mga pulis; 59 munusipyo sa rehion nakapagtala na walang naiulat na krimen sa loob ng isang linggo

0
20
photo courtesy of PRO-COR

Camp Bado, Dangwa La Trinidad – Ang pinaigting na kampanya kontra krimen ng PRO-CAR’ mula Agusto a 18 hanggang 24, ng taong ito ay nagresulta sa pagkaaresto ng 29 katao habang 59 mga munisipyo sa rehion ay nag ulat na walang insidente ng krimen sa loob ng isang linggo.

Sinabi ni PRO-CAR Regional Director, PBGen David K. Peredo, Jr., ang Benguet Police Provincial Office (PPO) ang nanguna sa paghuli ng 13 katao. Sinundan ito ng Baguio City Police Office (CPO) na 11 katao nahuli; ang Ifugao Police Provincial Office na may apat na katao nahuli at ang panghuli ang Abra na may isang nahuli.

Sa mga apat na nahuli ay nasa kategorya na Most Wanted Persons (MWPs) sa Provincial Level.

Ang kampanya ay isang pagdidiin ng PRO-CAR’s sa pagsupil ng krimen kabilang dyan ang zero crime incidents ang napaulat mula sa 59 munisipyo sa rehion.

Ang tagumpay na ito ay kasama ang 24 munisipyo sa Abra, siyam na munisipyo bawat isa sa Mountain Province at Ifugao, pitong munisipyo sa Benguet, anim na munisipyo sa Apayao, at apat na munisipyo sa Kalinga.

Bilang karagdagan ang Baguio City Police office substations 2, ,4, ,8, 9, at 10 ang nag ulat na walang krimen ang napaulat sa mga sampung police station sa lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply