Bagong teknolohiyang makakatulong kontra COVID-19 ipinasilip

0
25

Iniharap sa media ni dating MMDA OIC Chairman Tim Orbos ang isang bagong teknolohiyang inaasahang makakatulong sa paglaban sa COVID-19.

Ito ay ang savepoint o Energy Saving Mistykool Air Cooling Systems and Sanitary Anti-Viral Entry Point.

Hinimok ni Orbos ang mga nasa pribadong sektor na tulungan ang gobyerno para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Ang Energy Saving Mistykool Air Cooling Systems na nadiskubre ni Filipino Investor Edgardo Vasquez ay ginagamit sa mga sanitizing operations.

Nag-i-spray ito ng maliliit na tubig para lumamig ang isang lugar at nagtataboy rin ng mga insekto, alikabok at usok.

Mala-tent naman ang itsura ng Sanitary Anti-Viral Entry Point o Savepoint na nagdi-disinfect sa mga taong papasok at lalabas ng gusali.