Bagong regulasyon ng LTFRB hinggil sa fare adjustment inalmahan

0
49

Umalma ang mga transport group sa bagong regulasyong inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagtatakda ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon sa grupong Acto, hindi pa ito dapat ipatupad dahil hindi pa napaliliwanag ang sistema nito sa kanila na posibleng magdulot ng kalituhan.

Hindi rin kumbinsido ang grupo ng mga city bus na magiging epektibo ang naturang regulasyon ng LTFRB.

Una rito, inihayag ng LTFRB na ibabatay ang fare adjustment sa mga bus, jeep, taxi at UV express sa paggalaw ng mga produktong petrolyo.