Bagong project loan para sa Pinas inaprubahan na ng World Bank

    0
    38

    Inaprubahan ng World Bank ang isang bagong project loan para sa Pilipinas na inaasahang makatutulong sa gobyerno para matugunan ang  pangangailangan ng mga pamilyang mahihirap.

    Nagkakahalaga ito ng animnaraang milyong dolyar na ilalaan sa mga proyektong ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development gaya ng  pantawid pamilya Pilipino program at response service transformation  (FIRST) para sa kanilang mga benepisyaryo.

    Inaasahan umanong makatutulong ito sa halos 4 milyong pamilya na naapektuhan ang hanapbuhay ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

    Ilan dekada na ring sinusuportahan ng World Bank ang 4Ps.