Bagong petisyon laban sa P2P scheme sa mga UV express inihahanda na

0
51

Inihahanda na ng mga grupo ng transportasyon at mananakay ang ihahaing bagong petisyon para sa tuluyang pagbasura ng P2P o point to point scheme sa mga UV express.

Sa naging pagdinig ng Quezon City Regional Trial Court Branch 90 sa hinihiling na TRO o Temporary Restraining Order laban sa P2P scheme sa mga UV express kahapon, hiningan ng korte ang mga petitioner ng bagong memorandum.

Ayon sa abogado ng mga transport at commuters group, hindi na mapagpapasiyahan ang Q.C RTC Branch 90 sa kanilang petisyon dahil una nang sinuspendi ng LTFRB ang pagpapatupad ng P2P scheme sa mga UV express.

Dahil dito, humihingi na aniya ang korte ng bagong memorandum para sa permanent injunction o tuluyang pagbasura ng nasabing scheme.

Samantala, binigyan namang ng 15 araw ng korte ang mga petitioner para makapaghain ng bagong memorandum habang bibigyan din ng pagkakataon ang LTFRB na sagutin ang petisyon ng grupo.