Bagong modernong PUV pwede ng bumiyahe

0
19

Uubra nang mag biyahe ang mga bagong modernong Public Utility Vehicles (PUV).

Ang mga bagong PUV’s na ang ruta ay Nichols – Magallanes – Mall of Asia – Paranaque Integrated Terminal Exchange at pabalik,  ay air conditioned, may CCTV, Wi Fi, GPS at side entrance.

Kasunod na rin ito nang isinagawang ceremonial turn over na pinanunghana nina ni Transportation Secretary Arthur Tugade at Pasang Masda President Roberto Ka Obet Martin.

Mismong sina Tugade at Martin ang nag inspeksyon sa mga nasabing PUV na gawa ng Isuzu Philippines Corporation (IPC).

Nagpasalamat si Tugade kay Martin dahil sa paniniwala nito sa modernization program ng gobyerno

Nangako naman si Martin na patuloy na susuportahan ang nasabing programa ng administrasyon para makapaghatid ng kumportableng pagbiyahe ng mga commuter.