Friday, May 17, 2024

Babala ni Mayor Benjamin Magalong sa mga scammers sa Baguio city

- Advertisement -

Baguio City – Nagbabala si Mayor Benjamin Magalong laban sa scammers o mga nanlilinlang ng mga bisita at mga estudyante na naghahanap ng matutuluyan sa Lungsod ng Baguio.

Sinabi ni Magalong sa manluluko na wala silang lugar dito sa lungsod ng Baguio. Binalaan sila na hahabulin sila ng batas. Sinabi ng Ama ng Lungsod ng Baguio nakikipag ugnayan siya sa Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police upang hanapin at kilalanin ang mga scammers para mahuli at mapatawan ng parusa.

Anya ang mga panluluko ay nangyayari naman sa online lalong lalo na ngayon panahon at sa nalalapit na pagbabakasyon sa kapaskuhan. 

Kanyang idinagdag na marami ang nagpapanggap bilang ahente na konektado sa legitimong establisemento na naglalagay pa ng mga patalastas sa social media pages kasama ang mga larawan at impormasyon sa legitimong establisemento na hindi alam mismo ng tunay na mga ari nito. 

Ang manloloko ay kalamitan ay humihingi ng reservation fee o ng down payment at matapos matanggap ang bayad saka naman ng mga ito na binablock sa social media ang kawawang customers.

Pinayuhan ng mayor ang mga turista at maging ang mga estudyante na maging maingat at huwag basta basta papasok sa isang transaksyon o bago umayon sa isang deal o napagkasunduan o magbigay ng kabayaran.

Sabi niya siguraduhing sa mismong may ari o autorisadong ahente ng establisemento kayo nakikipag ugnayan at hindi sa mga manloloko.

Para sa mga turista, nagpaalaala ang City Tourism Operations Office na maki uganayan lamang sa mga accommodation establishments (AEs) nakalista sa https://visita.baguio.gov.ph/.

Sa kabilang dako naman sa mga estudyante, sila ay pinayuhan na makipag ugnayan sa may ari ng establisimiento o mismo sa naturang lugar.

Maari din silang magtanong sa pagtawag sa Permits and Licensing Division sa telephono bilang 619-3184 upang matiyak na ang mga pangalan ng nakarehistrong may ari at ang kanilang contact details. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -