Babala ng Baguio Water District sa publiko ng Baguio City

0
7

Baguio City – Nagbabala itong mga nakaraang araw ang lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio at ang Baguio Water District sa publiko sa maaring posibleng krisis sa tubig dahil sa dumadaming gumagamit ng tubig o mga consumers kung ihahambing sa produksiyon ng tubig.

Matatandaan sa huling pahayag ni BWD General Manager Engineer Salvador Royeca, nananatili pa rin ang volume ng produksiyon ng tubig ngunit dahil sa maraming nagtatayo ng mga commercial establishments tulad ng hotel, restaurants, at condominium dito sa lungsod ng Baguio City ay nagresulta ito ng pagdami ng paggamit ng tubig.

Dahil dito, binigyang diin ng BWD General manager ang kahalagahan ng pag-recycle ng “wastewater” upang muling magamit sa ibang kaparaanan tulad ng pandilig o panglinis.

Ayon sa lokal na gobierno, sa bawat sambahayanan o household na masanay sa pag-recycle sa pamamagitan ng sampling paraan ay malaking maitutulong nito sa pagtitipid ng paggamit ng tubig gripo o ng fresh water. (Joel Cervantes, photo courtesy by John Buena file)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here