Babala ng Amerika laban sa Huawei sisiyasatin ng PNP

0
50

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police ang alegasyon laban sa kumpanyang Huawei na ginagamit umano ng China upang kumuha o maniktik ng impormasyon sa ibang bansa.

Ito’y sa gitna ng babala ng Estados Unidos sa Pilipinas na maghinay-hinay sa pakikipag-ugnayan sa nasabing kumpanya dahil hindi umano ito mapagkakatiwalaan.

Ayon kay PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde, inatasan na niya ang Directorate for Investigation and Detection Management Office o DIDM para imbestigahan ang nasabing impormasyon.

Magugunitang Huawei ang naging sponsor ng PNP nang magkasa ito ng anti-cybercrime summit subalit nilinaw ni Albayalde sa publiko na wala naman silang pinirmahang kontrata  kaya’t wala silang dapat ipangamba.

(with report from Jaymark Dagala)