35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Babaeng nasa viral video ng ‘In My Feelings’ dance nagsorry na sa MMDA—Pialago

- Advertisement -

Nag-sorry na ang babaeng nasa viral video na nagsasayaw ng ‘In My Feelings’ dance sa Kamuning flyover.

Ito ang kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago.

Ayon kay Pialago, dakong alas-onse ng umaga kahapon, Agosto 31 nang magtungo sa kanyang tanggapan ang nabanggit na babae para personal na humingi ng tawad.

Pagbabayarin naman ng multa ng MMDA ang babae sa viral video at ang kasama nitong driver.

Una nang hinamon ni MMDA Supervising Operations Officer Bong Nebrija ang babae sa nasabing viral video na kusang sumuko matapos lumabag dahil sa pagsasayaw ng #InMyFeelings dance.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -