Babae patay sa pamamaril sa Maynila

0
49

Patay ang isang babae habang sugatan ang kanyang anak na lalake sa insidente ng pamamaril sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ang nasawing biktima na si Merly Timajo, pangulo ng housing association sa Avenida Compound.

Batay sa ulat, pasakay sana ng tricycle si Timajo kasama ang anak na si Christian sa bahagi ng Rizal Avenue nang barilin ito sa ulo ng nag iisang salarin kaninang alas 2:00 ng madaling araw.

Nasugatan naman ang anak ng biktima nang makipagbuno ito sa salarin dahilan kaya nabaril ito sa likuran.

Narekober naman ng pulisya ang tatlong basyo ng bala ng kalibre kuwarentay singkong baril sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy din ang imbestigastyon ng mga otoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng nasa likod ng pamamaril.