Babae patay, na-trap sa nasusunog na bahay sa Pasay

0
50

Patay ang 32-anyos na babae matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Villamor, Pasay City kaninang pasado alas-singko ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Julie Barrios na na-trap sa loob ng banyo ng nasunog na bahay na pag-aari ng pamilya Barrios.

Ang sunog ay umabot ng second alarm at tuluyang idineklarang fire out pasado alas-sais ng umaga.

Tatlong bahay ang naapektuhan ng sunog na hinihinalang nag-ugat sa substandard na kawad ng kuryente at overloading.